Search
Listen on:
Follow me:
Home » Mabuhay!

Mabuhay!

Ang “A Way with Words” ay isang nakatutuwang programa sa radyo at podcast na pinangungunahan ng dalawang eksperto sa wika at lingguwistika. Sinasagot nila ang mga katanungan tungkol sa mga salitang balbal, matatandang kasabihan, mga salitang diyalekto, pampamilyang mga ekspresyon, etimolohiya, gramatika, at iba pang bagay. Karamihan sa mga tanong ay tungkol sa Ingles, ngunit ang ibang wika ay tinatalakay rin.

Ang pakikinig sa programa ay maaaring maging isang magandang paraan upang magsanay sa pakikinig at pag-unawa sa mga nagsasalita ng Ingles. Ang dalawang host at ang karamihan sa mga tumatawag ay katutubong nagsasalita ng Amerikanong Ingles. Ang ilan sa mga tumatawag ay may mga diyalektong pangrehiyon, kabilang ang Ingles ng mga Itim, timog Amerikanong Ingles, Britanong Ingles, Irlandes na Ingles, at iba pang diyalektong Ingles.

Tungkol naman sa pangalan ng programa, kung may magsabi sa iyo na ikaw ay mayroong “a way with words,” ito ay isang papuri na ang ibig sabihin ay di-malilimutan ang iyong sinasabi.

Maaari kang mag-subscribe sa programa nang libre sa lahat ng mga pangunahing podcast platform sa page na ito:

Mga podcast

Sana ay magustuhan mo ang programa!

Martha Barnette at Grant Barrett
mga co-host ng “A Way with Words”

Recent posts